Saturday, November 15, 2008
Na kaka TO si crush

Kasalukuyan kong tinatype ang quiz na ibibigay namin sa mga subordinates namin on Monday nang bigla kong narinig ang Chorus ng Mirotic. Hayun si ______ tumatawag pala.
Ading [ilokanong tawag sa mas bata sa'yo] may ginagawa ka? Nakita mo ba yung usb? sa Kuwarto? Paprint nga ako
Sa totoo lang nung una ayaw ko kasi tinatamad naman talaga akong lumabas sa bahay at pumunta pa sa tita ko para magpaprint. Parang nasense ata niya na ayaw ko akalain mo binagsakan ako ng cellphone?? tut tut tut... Nang time na yun parang naisip ko naman na napakawalang utang na loob ko naman. E kasi pag umuuwi ako nagpapasundo ako sa kanya at saka nagpapahatid. So parang nakonsensiya naman daw ako. Kaya tinawagan ko siya. Naks nagtatampo ! Ayaw niyang sagutin kaya naman mega text na lang ang ginawa ko. (Aba'y sumagot)
Tignan mo sa Drive C: osteomyelitis isave mo.
E di tinignan ko.... at may nakita ako. Hay naku sabi na nga ba e. Kaya nagkakandalokoloko mga unit na nasa kanya pano may mga XXXXXXXXXXXXX. (oo tama nga ang iniisip mo)

Tinext ko siya
Kaya naman pala nagkakavirus e mga XXXXXXX ang dinodownload
Sagot niya
Di naman akin yun e. Pinasave lang ni ******* (siyet! yung crush ko!!!!)
Ano ba yan! napa asdffghjkl pa ako. Hay naku mga lalake talaga. Balibaliktarin mo man ang mundo lalake parin. Ewan parang naturn Off tuloy ako sa kanya. Hahaha whatevs! Akala ko e naiiba siya sa karamihan. Yun pala isa siya sa mga karamihang iyon. XD


Labels: ,



kokorokoko thought hard on 9:10 PM.
0 comments




Lipat Bahay

Blogger-wordpress-blogger-wordpress-BLOGGER! Yehey balik blogger na naman ako pagkatapos ng apat na beses na palipat lipat ko ng bahay. Uso ba ngayon ng lipatan? Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula ng lumipat ako ng kuwarto sa bahay kasi lola ko na ngayon ang gumagamit ng kuwarto ko (pero pansamantala). So share kami ni inay. Heto pa kamakailan lang e lumipat din kami ng boarding house. Pinalayas kasi kami. XD hahaha uy di ah! Kinailangan lang talaga kasi kung titira kami dun kami rin ang mahihirapan kasi the space is not enough. Oha oha 7 kaya sila (si mother, si father, the children plus their yaya) E di sardinas na ang labas namin dun.

Yung nilipatan namin e kamag-anak ng asawa ng landlady namin. Hohoho actually hindi sila tumatanggap ng mga estudyante pero dahil *ehems* maganda naman ang records namin (naging mabait naman kaming alaga for almost 4 years) e tinanggap naman kami ng buong puso. Nakakaloka nga lang mga MedRep kasama namin. Hahahaha ( e makalat pa naman ako... kahiya.. ay naku gud luck na lang sa mga araw pang susunod kung mamentain ko ang kalinisan sa kuwarto XD)

Dito naman sa blog chuchu, ewan ko kung bakit ako lumipat dito. Bigla na lang kasing my bumulong sa tenga ko kagabi. Sabi "pssst...gawa ka ulit..balik ka sa blogger" So ayun nga pagkatapos kong bumili ng mantika sa tindahan ni aling Nena dalidali akong humarap dito sa laftaf. At heto na nga ang bunga ng ilang oras kong pag-upo. HAHAHA sa tingin ko walang wenta. Yung header ko halatang minadali! Ayusin ko na lang ulit tong bagong bahay ko mamaya..o bukas.. o sa susunod na araw..susunod na linggo. Basta. hahaha

Labels: ,



kokorokoko thought hard on 10:27 AM.
0 comments